HOME   PREVIOUS   NEXT   ARCHIVE BERLINews
Online Newsletter Nr. 138
Philippine Community


Filipino Community (FILCOM) Berlin
PALARO 2012

Rey de Paz


 
      Bitbit ni Brod Toss Libunao, Pastoral Team Coordinator, ang torch na nagsisilbing simbolo ng pagbubukas ng Palaro 2012. Inikot sa oval ng Siemens Sports Complex ang torch kasama ng mga batang kalahok sa palaro. Kasunod nito ang pagbibigay mensahe ni Ginoong Consul Mardomel Melicor ng Philippine Embassy. Ang mensahe niya ay nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino at nagpahiwatig na ang embahada ng Pilipinas ay nakiki-isa rin sa mga ganitong uri ng aktibidad ng Filipino community sa Germany.
      Ang palarong Pinoy sa Berlin ay naging taunang event na nagsimula noong 2002 at idinaraos tuwing summer. Ang layunin nito ay makapagbigay aliw sa mga kababayang Filipino at nang sa ganoon ay maramdaman din ang maikling panahon ng tag-init sa Germany. Kasing init ng araw ang labanan ng tug-of-war, sack race, relay race,
    pukpukang palayok, pabitin para sa mga bata, at kung anu-ano pang mga laro na maaring lahukan ng lahat.
      Ang summer event na ito ay pinangungunahan ng mga officers ng Pastoral Team sa tulong ng Philippine Embassy at ng iba´t ibang grupo ng Philippine Community.
      Natunghayan na naman ang ugaling Pinoy sa oras ng kainan na animo’y kumbinasyon ng fiesta, picnic at parlor games. Iba't ibang uri ng pagkain na pinagsaluhan nang katanghalian ang dala ng ating mga kababayan. May kamayan at inuman. May ihawan din. Ang mga nagwaging manlalaro ay nakatangap pa ng mga papremyo.
      Tila kakaiba ang tagpong ito sa mga salu-salong dinaluhan ng mga Pinoy sa Berlin dahil tagisan ng lakas ang kaliangan dito. Hanggang sa susunod na Palaro. Buhayin ang puso at diwa ng pagiging Pinoy.

TOP